CAMOTES ISLAND
Isa sa mga magagandang Isla sa Cebu. Maraming magagandang pasyalan. Ito ay kilala para sa kanyang kristal na malinaw na tubig, sobrang pinong puting buhangin, at ang nakamamanghang tanawin ng paglubog ng araw na inaalok nito. Maliit na Isla na mayaman sa mga anyong tubig.
May 20, 2022 , nagplano kaming mag pinsan na pumunta sa Camotes dahil kaarawan ng aming pinsan at sa aming pagpa-plano nakaisip din akong isama ang aking kaibigan dahil sa mga oras na yun ay marami itong problema kaya't gusto ko syang isamang magbakasyon para kahit sa maliit na bagay may maitulong ako para mawala-wala din ang bumabagabag sa isip nito. Sa litratong ito, kasama ko ang aking kaibigan. Masasabi namin na isa ito sa mapayapa at matiwasay na lugar na aming napuntahan. Maganda ang lugar at ang tanawin. Mababait ang mga tao rito at sobrang linis ng Isla. Kung gusto mong magpa-unwind, ito ang magandang puntahan.
Ito ang una naming pinuntahan. Maganda at malinis ang lugar, nakakamanghang tignan lalo na pag gabi dahil sa maganda nitong swimming pool. Makakapagrelaks ka dahil na rin sa tanawin. Sobrang linaw ng din tubig. Pagdating namin sa lugar na ito, gustong-gusto na agad namin maligo at tumalon dahil sa nakakaakit nitong ganda. May pangbata na paligoan para na din sa safety nila.
Isa sa magagandang puntahan sa Camotes. 'Very relaxing place' ' Crystal Clear Water and Extremely fine white sand'. Sobrang ganda ng tanawin at lalong lalo na ang lugar. Isa sa top visited island in Camotes Island. Sa pagpunta namin rito, maraming mga turistang dumayo. May light house ang Tulang Diot, pero hindi iyon ang nagpapaespesyal dito kundi ang katahimikan at rustikong kapaligiran na nagpapatingkad dito sa iba pang mga lugar dito sa Camotes. Kung naghahanap ka ng lugar na gusto mong mapag-isa o malayo sa ingay ay pwede ka rito sa lugar na ito.
ELLA JANE C. GELANTAGA-AN
12-AM21